Lost
Alam kong parati kaming nag aaway.
Inuutusan ko siya.
Hindi ko pinapansin.
Inaapi.
Pero siya ang buhay ko.
Mahal ko siya higit sa anu pa man.
Hindi ko lang ipinapakita.
Oo palaaway ako, ganun ako maglambing.
Madalas ung mga taong mahal ko lang ang inaaway ko.
Kasi alam kong maiintindihan nila ako.
Na kahit may masabi ako, alam nilang hindi ito personal
At walang malalim na galit na kasama.
Ganyan ang pinapakita ko sa kapatid ko.
Madalas ko siyang awayin at asarin.
Pero I make it a point na alam ko kung anong actvities nya.
Kinikilala ko lahat ng kaibigan nya.
At kung kinakailangan sasama ako sa mga pupuntahan nya.
Hindi ko un gusto.
Siya ang nagsabi nun.
Stage sister.
Yan nga ang tawag nila sa akin.
Minsan nilalayo ko ang sarili ko sa kanya.
Gusto kong gumalaw.
Gusto kong magkaroon ng sariling buhay.
Gusto ko ding malaman at maramdaman niya
kung pano ang tumayo sa sariling paa.
Akala ko kaya na niya.
Hindi pala.
Mali siguro ng iniwan ko siya.
Mali sigurong hinayaan ko siya.
Alam kong sa akin siya nakatingin.
Alam kong may hinahanap siya.
Pero wala ako...
nung kinailangan niya.
nang kailangan niya.
Maraming nagbago.
Maraming issue.
Kailangan ko siyang kausapin.
Pero paano?
Hindi ko kaya.
Dahil kahit ako nalilito.
Naguguluhan.
Ewan ko.
May mga bagay akong madalas takbuhan,
Na hangga't maaari tatakasan...
Iiwasan.
Pero hindi ito.
Alam kong nahihirapan siya.
Hindi ko alam kung may mababago pa ako.
Siguro...
kailangan lang niya ng kamay
na aakay sa kanya.
Kailangan lang niya ng balikat
na maiiyakan
Kailangan lang niya ng tenga
na makikinig sa kanya
Kailangan lang niya ako
para harapin ang totoo.
All my life I have been thinking about myself.
I know have been selfish and self absorbed.
I wanted all the attention.
I wanted other people to hear me.
I wanted them to listen to all my whinings.
Nalimutan ko na hindi lang sa akin umiikot ang mundo.
Na mayroong tao sa palibot ko.
Mga taong nasasaktan, nadadamay at nahihirapan.
Nalimutan ko na ang kapatid ko.



0 Mga Nagbasa Ng sInulat
Post a Comment
<< Home