Masayang Mag-Isa
Laguna
Masayang Mag-isa. Lalo na pag malungkot ka. Marami kang mapapansing mga bago sa buhay. Mga bagay na hindi mo alam na najan lang pala. Saka, wala kang iisiping panangutan kahit kanino. Dahil hawak mo ang iterenayo mo.
Minsan mas nag-eenjoy akong kasama ang sarili ko. Umupo sa isang tabi. Tapos pagmasdan ang lahat ng taong dumadaan. Na-mi-miss ko na nga ang ganoong buhay e. yung bibili ng iced coffee sa CASAA tapos maglalakad pauwi ng ilang. Dadaan sa simbahan. Makikipag-usap sa Diyos. Maglalabas nga sama ng loob, magpapasalamat, magpupuri at mangangakong magbabago.hehehe.. minsan iiyak, minsan tatawa.(depende sa mood kung bakit ako mag-isa) Tapos, dadaan sa SC. Wala lang. Titingin sa tabi tabi. Minsan bibili ng mais. Tapos, maglalakad ulit, pabalik sa Dorm.
Mas maganda nyan. Kung walang tao sa room nyo at ikaw lang mag-isa. Umuwi sila. tapos ikaw lang. makakapagbasa ka ng book. O kaya makakanood ng VCD. Mas Heaven naman kung matutulog ka nalang at gigising ka para mag miryenda sa Bermonts. Kakain ka ng footlong o kaya ham and egg. Sasabayan mo ng fries at sarsi.
Tapos, pagbalik mo sa dorm. Oras na para manood ng favorite mong chinovela. Makikitili kasama ng mga dormates mo sa harap ng T.V. Tapos babalik na ulit sa room. Mag-iisip ng gagawin para bukas. Pwede din lumabas papuntang philcoa. Bumili ng sundae sa MCDO at umuwi ng maligaya.
By the time na nasa dorm ka na. Pwede ka ng matulog. O umupo sa tapat ng room nyo.Pwede ka ding umakyat sa moon deck. Mag star gaizing. Mag-isip isip ng mga bagay. Mangarap mag-isa.
Kapag nilalamok ka naman. Siguro by that time gets mo na.. Pwede ka ng matulog.
Magising ng maaga.
Baka bukas hindi ka na mag-isa.
======================================
sometimes life doesn't always turn out the way you plan



0 Mga Nagbasa Ng sInulat
Post a Comment
<< Home