Monday, November 15, 2004

Kill the Cook

Matagal na panahon na mula ng huli akong nagluto ng ulam.
Ang alam ko, marunong ako.
Natuto ako nung mawalan kami ng katulong.

Pero mula ng mag college ako.
Nasanay na akong may pagkain sa dorm.
Minsan, sa Mang Jimmy's , COOP, Lutong bahay o Rodic's
Busog din naman ako sa miryenda ng Bermont's at Eng'g canteen
Kaya di ako masyadong namroblema sa pagkain.

Pero ngayon!
Alam ko pa din namang mag saing!
Mag prito ng pang almusal.
Maliban dun...iiyak na ako.

Hindi naman sa hindi ko kaya...
Ayaw ko lang malait ng iba ang luto ko.
At alam mo ba kung anong itsura ng
ng Sweet & Sour ko?

Oo, sweet & sour fish yan.
Alam kong piprituhin muna ang isda. (check)
Maghihiwa ng bawang.(check)
Maghihiwa ng luya. (check)
Gagawa ng sweet & sour sauce ( Pano daw ?)

Una sa lahat di ko sigurado kung anong laman nun.
Usually, mapula yun.
So malamang may tomato sauce... naku wala na.. ketchup meron.(check)
Suka siguro meron.. sour e.. (check)
Toyo kaya meron? ... (check)
Asin, Vetsin at Paminta... para may lasa (check)
May nabangit si mama kanina.. Harina... kailangan ba un? (check)

Handa na ang kalan..
Nag gisa na ako ng bawang.
Sinunod ko ang luya.
Ok na ang isda.
Ang sauce kaya.. ihahalo ko ba?
Sige, ilagay na natin..

Pero ano naman un.. parang may kulang.
Mukhang pula na siya. Malapot. Kumukulo..
Ayos!

Hmmm.. bakit parang naubusan ng sabaw?
ay! ayun.. nalimutan ko ang tubig.

Pero huli ng aking makita.
Nakakatakot ihain sa bahay.
Naiiyak ako ng makita ko ang finish product.
Parang minassacre na isda.
waaahhhhh!!! :((
hindi ko naman gustong magluto e.
Ako dapat ang mamamalantsa.
Maglalaba nalang ako.
Maghuhugas kung kinakailangan.
Mag ayos ng lamesa at magpakain sa aso.
Pero ayaw ko ng magluto.

##############################################
Naaawa ako sa sarili ko.
Di pa pala ako pwedeng mag-asawa.
Di ako marunong mag luto.
Maliban nalang kung cook siya. :D

0 Mga Nagbasa Ng sInulat

Post a Comment

<< Home