Thursday, June 16, 2005

Of Baywalks and Bands

It is 12:39am and I'm still at the office..

Lui dropped me off.
Galing kami sa BayWalk.
Kasama nami si Jode..

Image hosted by Photobucket.com

Kung bakit kami na punta sa lugar na iyan, isa lang ang dahilan..ORANGE and LEMONS
Yep, habang kami ay kumakain kanina ng masarap na manok na galing sa manukan. Si LUI ay nag bigay sa akin ng suhestyon at isang "tempting offer" - "WATCH OnL sa INDO's"

Ako naman, bilang isang dalagang pilipina ay tumangi.. hihihi (Joke lang!)
Shempre GO! GO! GO! ako.. kahit pa ako ang self proclaimed designated alalay for the night ng mga swimmers hehehe..

Pagkatapos mapag desisyonang sasama kami ni Jodel sa GiG, kami ay nag tungo sa EAC. Emilio Aguinaldo College upang hanapin ang swimming pool nila. Dadalahin ko na sa kanila ang kanila dinner.

Di naman ganoon ka layo ang nilakad ko.. Konti lang.. ;)
Di bale na sanang nag mukha akong tinderang naglalako ng ulam, aba't tarayan daw ba ako ni Manong Guard!
Mabuti nalang at nandun si Dar, kung di maghihintay pa ako kasama ni manong Guard.

Image hosted by Photobucket.com

Ang ulan ay unti unting tumitila at ang bawat patak ng ambon ay humihina na.
Wala pa ang mga bituwin subalit malinaw na ang langit.

Kami ay naglakad mula Aristocrat patungong Indo's.
Walang tao sa Baywalk.. Malungkot..

Tinangay ng hangin at ulan ang sayang bumabalot sa lugar, papalayo sa syudad ng di kalayuan.

Kami ay walang pang nadatnan sa lugar.
Sabi nila, pag di na umulan tuloy ang laban. hihihi

Kami ay nag lakad lakad, tumakbo takbo at nag usap usap..
Hanggang sa mapagod at umupo muna sa Figaro..

Pagkatapos ng ilang Oras pa, kami ay bumalik na sa lugar.
Ayos! nAka set up na!
May tumutugtog na..
Hindi pa ang OnL kaya sa tabi lang kami..
Ilang minuto pa, unti unting nagdagsaan ang mga tao..
Hmmm... oras na para humanap kami ng magandang lugar..

Subalit, ito ay isang kabiguan lamang.
Sapagkat patuloy ang pag kanta ng bandang pasaway sa entablado.
Ok lang naman sila. Funny. Nakakaaliw.
Pero sobrang kalye ng salita, termino at jokes nila.
Kung pikon ka, pwede kang ma offend.

Kaya't ganun na lamang ang tuwa namin ng matapos sila.
At marinig na tinutugtog ang kanta ng OnL sa malaking speaker sa tabihan.

Ilang minuto ang lumipas...
5.. 10 .. 15...
Unti unti na kaming nawawalam ng pag asa..
Hanggang sa isang malagim na katotohanan ang sumalubong sa amin..

Paakyat nanaman ang bandang kanina lamang ay tumutogtog sa entablado..
Ngay!

Lui: "Tutogtog pa ba ang Orange and Lemons?"
Waiter: " Hindi na po "

Dali dali kaming tumayo, dala ang aming mabibigat na paa at mineral water bottle na may tubig pa.
Tapos ang gabing malungkot si Lui..

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com
(BEFORE) -------------------------------> (AFTER)

Hinatid namin si Jode sa Baclaran pauwi.
Dumaan kami sa macapagal high way pauwi.. sa gitna ng madilim na lugar..
Kaya naman hanggang dito sa opisina dala ko ang takot at kaba.
na baka sa likod ko ay may taong nakasampa...
Loko ka talaga lui.. =P

Kung bakit ako nasa Opisina ng ganitong oras?
Simple lang..
May white lady akong kasama pauwi..
Isang babaeng nakapantulog na puti, na naglakad mag isa
Tangan ang isang puting payong, panangga sa kaaway..
Na sa sobrang sipag nya nga inabot kami ng 2AM.
-> char char COOOFFFFFEEEE!!

Masaya ako! kahit di ko nakita ang OnL..
Alam ko I have had weird experiences, pero masaya naman ang ganitong kind ng adventure.
matagal tagal na din mula ng huling akong lumabas ng biglaan, tumakbo sa kalsada habang may rumaragasang sasakyan at trak na inaabot ng alas dos ng madaling araw sa labas.

Plus! I got to know 2 cool persons, from OPI. ;)

0 Mga Nagbasa Ng sInulat

Post a Comment

<< Home