A Fair To Remember
Tradisyon na sa akin ang pumunta sa UP Fair ever since I started UP back in 2000. ( Yep, Student Number ko ay 00-49###. So what?! Hehehe..)
Hindi naman ako ganun ka addict sa fair, I've had the best memories and most wonderful experineces sa fair! Sobrang naaliw ako nung first time kong pumunta when Jhong, Kycs and I went there wearing only our Kalayaan Dorm Clothes... Hahaha..A very naive wide eyed Freshman walking around the fields of Sunken garden from Kalayaan! Libre pa ang entrance that day. Daming freebees! Sobrang Aliw ako sa nga booths. Sa mga rides. Sa games. Parang Perya sa probinsya pero may banda!! Hahaha... Jologs na kung jologs! Pero sabi ko I'll definitely be back.
Next day, dun ko ata nakuha ang akin 1st dorm violation! When we waited for Parokya ni Edgar to play. Bad trip lang dun, I had to watch the band from outside the wall. Dahil pauwi na kami sa dorm nung sumampa sila sa stage!!! Kung di ko lang mahal si Chito!!!
Since then kasama ko na ang aking mga dormates/roomates/blockmates. Kung ano anong kakulitan namin, plus Feb15 ang birthday ni Manong Aidz. Henna. Tsubibo. Perya. "Punch" Drinks. At kahit madaming Jumping jologs, hindi ko ako pumapalya sa pagsabay sa crowd habang kumakanta ng mga astig na kanta.. (hehehe.. one of the advantage of having taller guy friends, may backer ka pag nagkatulakan.. )
SisFire4: No Fairmit, No Rally
Thursday, Feb 16,2006
Two years after I left UP,nung medyo naging "mahinahon" na ako. Naisip namin yayain ang mga kapwa kaklase sa gitara...sinama naman namin ang mga Non-UP officemates ko. hehehe... Sabi ko they have to see kung anong "gulo" meron dun.

8:00pm Arrival Time
Dahil andun si Banana sa door, diretcho ang drama ng lola papasok. Walang Effort. Plus, di pa ganun kadami ang tao.
Sa labas pa lang, nakita ko na si tatay esti(taba! taba! taba!), si daf daf (stifflerrrrr) at ang aking EEE9 buddies ( Suzie and Marian )
The Food
Madaming kaininan sa loob. Ranginging from pika pika to heavy rice meals. Although temping ang baba shawarma, we end up eating sa isang food stand na institusyon na sa UP. Ang Rodics, since 194? , ay well known for the Tapsi and all the silog meals at ang aking fave na dinuguan... Sulit naman ata, dahil nagustuhan nila ang TAPA. ( na since 194? pa hehehe.. joke joke )
Hindi natatapos sa dinner ang pagkain... Kulang!
Kailangang malasahan ni lasa ng inihaw na isaw! Ang tanging habol ni BEL sa UP. (try mo ung sa tabi ng ILANG-ILANG!! Yun ang the best!)
The Wall
Nakakatawang isiping para akong isang unggoy na natuwang nakakita ng saging sa taas ng pader nung nakita ko ang wall, sobrang na eXcite ako!!! =p Another challenge!
They were all ready to listen to the bands playing, kaya walang time for me to drag them sa side ng UP Mountainer Wall. Lucky for me, may isang banda dun na nagsimulang murahin lahat ng pwede nyang murahin, at magbabato ng isang Kenny Rogers Meal sa crowd. ( Doy, hindi nya ibabato ang muffin.. ) Napilitan silang samahan ako na mag climb sa wall. Kami lang ni jori ang umakyat. While He finished all 3, I could only endure 2.
Thinking: Jode, pwede bang power up ang sunod na crossteam? hehehe.. magaling palang umakyat tong pakner ko e..

Wala akong bagay na masasabing nag iidentify sa akin, something specific, something finite and complete. Pero pag nag wawall climb ako, I feel in control pero helpless, supported pero on my own. It's like trying to carry yourself, pushing your way up, while trying to focus on the problem. You can rest, but giving up is a big No NO! Basta! It might be just a wall to you, for me, it's more than that!
The Bands

Habang umaakyat ako, nawala na si rage,ann at jode. Tumatakbo papunta sa harap ng stage, matapos marinig na KikoMachine na! Aba! Abah! Akala ko ivivideo ako, ang dugas nandun na!
Madaming Ok na banda ang tumugtog ng maaga. Ilan sa mga tumatak sa isip ko ay ang mga sumusunod:
Blue Ketchup ( ... itext mo ako.. pag hiwalay na kayo.. ---kulit!!)
Kwjan ( Ang gitaristang crush ni ann. Mr. T Look, na mukhang bagong gising )
Hale ( Ang ganda ng moon.. ang cute ni champ!! Jode!!!! )
SugarFree ( Total Performer si Ebe!!! napaindak si ann sa Ann-theme ng gabing ito "tulog na" )
6 cycle Mind ( SIGE, SANDALAN, I at ang the best ALAPAAP... calai and donnie.. fine fine fine cute na kung cute... yael pa din!)
SPONGECOLA ( Ok ok.. sawa na ako sa song nila.. Pero mahal ko na siya e, masama ba un..lalo na at naka green siyang converse shoes!!? -- wag na humirit sa height)
Kitchie Nadal ( Naging rason ng aming pag uwi... )
Barbie Almalbis ( Nasa labas na kami, pauwi na.. )
Roaming Around - kanya kanyang trip
Belmond wanted to look around. So sinamahan ko siya. Naglaro ng piso piso at nanalo ng Oishi.
Si Jori, ang food trip. Mabuti naman at Nagkrus ang landas ninyo ng iyong mga dating kaibigan.
Si Rage at si Jode, naiwan sa gitna ng crowd nung dumating na ang jumping jologs team bago magsimula ang Dicta License. Mabuting magkasama sila para maprotektahan ni jode si rage.. hehehe..
Samantalang, sagilid ang trip namin. Gumawa ng sariling crowd. Malayo pero abot tanaw ko pa ang kumakanta, dito sa mahangin at ligtas na side ng fair. Tabing stage!
Familiar Faces

Malabo ang mga mata ko, dahil pinipilit kong hindi suotin ang salamin ko sa takot na malaglag at matapakan. Ganun pa man, I saw some familiar faces. The girls from Ilang ( Nat, Line, and some names that slip my mind ), Natsci I classmate from Kalayaan,Allan, Diego, Ayze's friends and old crush, and 2 of my blockmates ( Ceej and Ayze ).
Cinderella
12 midnight is our deadline. Hindi pa tumutugtog ang MOJOFLY, pero oras na para umuwi. I would have loved to stay pero 7am pa ako pasok. Plus, babalik pa ako kinabukasan.
Maraming salamat! Sana Nag-Enjoy kayo, as much as I did. Till Next year ulit! ;)




SchizoFAIRnia II: No Fairmit, No Rally
Post Valentines celebration with my closest frineds =)
Details to follow. =)



0 Mga Nagbasa Ng sInulat
Post a Comment
<< Home