Annual Family - Office - Outing
Summer nanaman!! Yep! Parang kailan lang galing ako sa Batangas para magpakintab ng kulay. Ngayon, andito nanaman ako sa Laguna kasama ng buong angkan namin. Same place, same people. Hindi man ako kasama sa opisina nila. Kailangan ko pa din mag ambag ng ice cream and drinks! Haaayy.. budget budget!! =S
Pagbungad pa lang, halo halong bati na ang natangap ko. Pero this time, hindi naman bf ang hanap nila sa akin... hindi nila tinantanan ang ideyang MATABA na ako.. Hallerr!!! Atchara nalang daw ang kulang..=(( Iniisip ko tuloy, kung mabuti pang BF nalang ang hanap nila, kesa ako ang napagdidiskitahan. Mas sanay ata ako sa mga ganung hirit kesa sa banat ng ATCHARA at salbabida!
Normal naman ako ah... =(
Ganun pa man, kahit gustong gusto ko ng matulog sa bahay at awayin ang DIGITEL dahil sa napaka bulok na sistema ng kanila pagkakabit ng linya ng DSL, kailangan kong manatili at makisaya sa aking mga kapamilya. =) Required!
Kaina ko lang din naalala..Nalimutan ko ang pinangako ko kay Mama Jode.. Sayang! Hirap talaga ng may memory leak...o memory Gap? hmm... Sorry Jode.. bawi nalang ako... next gig (?) hehehe..
Maaga naman kaming nakauwi. Mahinahon kaming naghiwahiwalay. Matino ko pang nakausap ang mga tao at nakapag ayos pa ako ng hapunan.
I thank GOD na hindi na siya katulad ng dati. Basta, mas panatag ang kalooban ko.. hindi katulad last year.
-----------------------
God heard my prayers...Thank You!




0 Mga Nagbasa Ng sInulat
Post a Comment
<< Home