Tuesday, May 30, 2006

Nang umalis si Housemate

... sumama si kuya.. este ang bahay nya!

Tama! Ngayon pong araw na ito ang eviction day ni housemate CharChar...
Habang kami ay narito sa opisina, "nagpapakadalubhasa" at nagpapakabangag.. siya ay unti unti ng nagtatangal ng kanyang mga kagamitan sa munti namin tahanang tinutuluyan.

Hindi ang pagkawala ng REF,

ng TV,
ng MICROWAVE,
ng SALA SET,
ng DINNING SET,
ng LAMESA,
ng DISH CONTAINER,
ng KURTINA,
ng SALAMIN
o ang BALDE ang pinakamasaklap sa lahat...

Kundi ang ideyang wala na si CHARSKI sa bahay ni ATTY.

Wala na si Dr. Binx na parati kong kakausapin sa gabing nanonood sila ng Jeang Geum...
Wala na ang aming KOKOLOGY sessions...
Wala na ang aming isang singer sa Jamming Session...
Wala ng masarap na bed at si PINK ELEPHANT..
Wala ng maghahanap kay miminx at bibinx...
Wala ng MOVIE NIGHTS every monday...

Wala ng WITCH marathon...
Wala ng makikinig sa aking mga nonsense stories about JB-SAY-SAM ( alam nya to.. ;P)

Maraming mawawala at mawaming mababago...
Pero masaya kami para sa iyo, sa piling ni BIBINX.
Sana hindi mo makalimutan ang mga tawanan at kantahan natin sa appt.
Nawa lahat ng sinabi ko ay hindi kumalat at mantiling secreto.
Manatili sanang bukas ang cellphone mo at umapaw nawa ang load ng kami ay matext mo pa din. =P

We are so proud of you.
Thank you for being part of my/our life/lives.
Hope to see you soon..


Ngayon pa lang nag sisink in...

can you whisper in my ear
let me know it's alright
it's been a long time coming
down this road
and now i know
what i've been waiting for
and like a lonley highway
i'm trying to get home

Monday, May 29, 2006

Juana - ikaw pa rin

[Verse 1]
nang matapos ang mga araw
na ika’y sa aking piling iniibig ka pa rin
nang maglaho na ang sikat ng
buwan at araw
sa tuwing magdamag ikaw pa rin

[Refrain 1]
bakit nga ba itong pusong
sinugatan
tila nais pa ring maramdaman
tamis ng yakap mo’t halik

[Chorus]
Naaalala mo pa ba nang tayo’y
magkasama pa
Iyong sinabi’t pinangako na
nalimot mo na siya
At kahit naglaho ka na muling
sumama sa kanya
Sa aking puso ay ikaw pa rin,
ikaw pa rin

[Verse 2]
Tuwing pag-gising sa umaga ang
Iyong mukha
ang nais halikan at sambahin
sa maghapon ay iniisip ka lang
at ang mga nakaraan na kaysaya

[Refrain 2]
Bakit nga ba yong puso’y
sinugatan
habang pagsisisi ay hindi na
kailanman mawawala

[Chorus 2]
Naaalala mo pa ba nang tayo’y
magkasama pa
aking sinabi’t pinangako na tayo’y
may pag-asa
ngayon kahit siya’y sa akin sa
kanyang yakap at lambing
ninanais ay ikaw pa rin, ikaw pa in

[Verse 1]
nang matapos ang mga araw
na ika’y sa aking piling iniibig ka pa rin
nang maglaho na ang sikat ng
buwan at araw
sa tuwing magdamag ikaw pa rin

[Chorus]
Naaalala mo pa ba nang tayo’y
magkasama pa
Iyong sinabi’t pinangako na
nalimot mo na siya
At kahit naglaho ka na muling
sumama sa kanya
Sa aking puso ay ikaw pa rin,
ikaw pa rin



Ngayon ko lang na isip...
Sana di ka umalis...

Sunday, May 28, 2006

WHAT I'M NOT

Hindi ko alam kung bakit pero hanggang ngayon asiwa ako sa mga taong "conio".
Ano ang "conio"? hindi ko din masyadong ma pin point...

Siguro sila ung mas madalas mag english na pa sosyal na kakaibang accent...
Yung mga feeling rich or pretend to be "better" than others...

Ewan ko.. basta asiwa ako sa kanila..
Hindi naman sa school yun... o sa college... o sa department... o pamilya...
I have friends who came from wealthy families... who were from Buss. Ad. College..who were from Ateneo, La Salle, UP and other elite schools.. who have lived and traveled abroad..

...Pero normal silang kausap... down to earth at marunong makisama..

I don't know..
... siguro nasanay ako sa mga kamag anak ko..
.... sa mga kaklase ko.
.... sa dorm-mates ko.
.... sa mga naging roomates.
.... sa block mates.
.... sa office mates ko.

Sobrang swerte ko naman na hindi ko kailangan mag pretend.
Sobrang ikamamatay ko pag pinilt kong baguhin kung sino ako... heheheh

Saturday, May 27, 2006

LIFE

I have so much memories of him as a kid.
He one of my sit mate during the graduation day..
He was a good volleyball/basketball player...
He was a friend...
He was a school girl's crush..
He was an intelligent boy...
He was an academic "competition"..
He was our salutatorian.

He was suppose to be an Engineer...
He was suppose to have a nice car...
He was suppose to be with his lovely girl friend...
He was suppose to be working for his family...
He was suppose to be hangging out with his friends and ranting about work..
He was suppose to be something wonderful...

But he's not..

I received a shocking news, from a friend.
One of my elementary classmate passed away...

He's only 22.
May God bless his soul.


--------------------------
We joked about crying during that graduation day...We shouldn't cry dahil di pa yun ang last..
But we haven't seen each other since then...



X-tra ordinary day

Ayaw ko sanang lumabas ng bahay dahil alam kong mapapagastos na naman ako pag sinubukan kong lumabas ng pinto...

... pero wala na akong ibang paraan para lubayan ang "pinaka mamahal" kong computer na ngayon ay papangalanan ko nga "AMPON".. (na-AMPON-sha, hehehe.. baddd weee..--evil grin--) Alam kong napakalaking tulong niya sa akin at wala siyang ginawang kasalanan.. subalit hindi ko na maiwasang na ikabit sa kanya ang imahe ng trabaho tuwing mamamasdan ko siya... heheheh..

IN SHORT, ayaw ko munang magwork.. hahahah..

Ako at ang future koGusto kong lumaya kahit pansamantala... kahit magkano pa ang magastos ko...
Matangal ko lang sa sistema ko ang mga bagay na nakasanayan ko na...

Sa opisina ni mader kami nagkita ng mga pinsan ko. Nagyayang mag sine..Sige go!

X-MEN, the last stand.
ATC, cinema1
Totally not what I expected this to be..Ok siya in the sense na maganda talaga nag cinematography. But I was somewhat disappointed with the story, the plot and the twist. I'm expecting something more like that of the cartoons or the comics that I used to love. Basta..PERSONAL NOTE: hindi ko masyado gusto ung ibang turns sa pelikula. I want more.. hehehehe. At least hindi ako masyadong na lungkot, di tulad ng DVC.

Promises Part 2
As I have kept another set of promises, I went to national bookstore to buy some school supplies. Not for me, not for my sister.. but for my inaanak...Hindi naman masyadong problem yun considering kaunti lang na notebooks, pencil at crayons. Naisip ko lang, sobrang swerte ko before dahil kahit anong damputin ko, I never heard my mom argue.. ( madami lang reklamo pagdating sa bahay.. hehehe ) Samantalang madaming bata ang hindi makabili ng notebook kahit yung may picture lang ni papa piolo or ni juday na notebook. hehehe..

GAS at DINNER
After the movie and short back-to-school shopping, we decided to go home. We had to stop over sa Shell, para magpa gas. Pinagtatawanan nila ako nung sinabi kong P100 ang bayad ko =S, hindi na daw yun makakarating sa bahay. hehehe.. Mahal na pala talaga ang gas... P40 mahigit ang isang litro. Gud lak! Kailangan kong bayaran ang gas namin bilang suhol sa driver a.k.a MAMA. Ang mahal naman.. P300, take it or leave it. Heheheh.. TAKE IT shempre.. hehehe.


Ayaw nila sa Jabee, kaya sa CALTEX pa kami kumain.. hehehe.. pasaway!
Walang magluluto sa bahay or should I say.. tinatamad silang mag luto sa bahay kaya gastos nanaman..
Walang problema sa akin.Ang mahalaga masaya sila. Natatamporurot nanaman kasi si mama dahil nasa probinsya si papa at nakiki pyesta kasama ang mga lola ko. Ingetera talaga.. hehehe.. Sabi niya ayaw nila mag sama, pero pag nawala naman ang isa... miya't miya binabangit. Hay ewan ko sa kanila...

Ngayon, nasa bahay na ako...

Kaharap ang AMPON ko..
Wala lang... Pilit ko mang iwasan, bukas nasa office nanaman. haaayyy...
At least today, I had fun.
Thanks guys..

Friday, May 26, 2006

BURNOUT

After all your dedication and devotion...

The saddest part of it all...

Is knowing for a fact that the feeling was never mutual...

...you'll never be appreciated, the way you want to be.



-----------------------------
Sarap mong iwan!!! Lalaya din ako...

Thursday, May 25, 2006

WELCOME BINX

"HELLO WORLD"

The package has just arrived.
After 6hrs of labor, miminx delivered a healthy baby girl.
Congrats Mommy and job well done.
We will see you soon.

--- Ex- Housemates, Future Ninangs.

Wednesday, May 17, 2006

TIPID TIPS

Pero para makatipid eto lang naisip ko gawin:


  1. Wag kumain.
  2. Wag makipag friends sa officemates. Para pag manlilibre ang officemate mo di ka kasali o kaya pag may nagyaya mag lunch out di ka invited o kaya pag may gusto ng ice cream sundae di ka aalukin o kaya di ka isama sa mga out of town gimiks..
  3. Wag mag bf at gf para wala kang monthsary, anniversary at kung anu ano pang sary..Wala ka din movie date, dinner date at kung anu anong date at di ka gagastos.
  4. Wag makipag friends at all para wala kang movie night, dinner out, etc.

In short, TIPID = NO SOCIAL LIFE..

So sino gusto magtipid?

© Calai 16May2006 2:33PM Any unauthorized publishing of this is punishable by law

Sunday, May 14, 2006

UP DAY ( Reunion with Ilang Ladies)

After an emotionally stressful week at work, it really helps to look back at some point in your life where you were carefree and have so much fun.

It was still raining when I left Laguna today. I had it in mind that this day will definitely be special. Not Just because it's mother's day but because I have conditioned myself to never think about WORK!

Riding the bus, I received messages from Banana.
Libre lunch sa bahay nila.. wooohoo..
Luto ni at Shee at ni Alex. Cool.

After I ate my lunch, we walked around the campus, took some pictures and made some plans.
Yep, PLANS.

Two years ago, we planned this day.
Pumunta sa UP, gumimik at subukang pumunta sa GB. (Green Belt?!?) hehehe..
Gusto naming balikan lahat ng pinag daanan namin nung college.



Ang basketball court ng Kalayaan Dorm..
Ang Famous Lobby ng Ilang Ilang..
Ang paboritong kyosk sa Molave..
Ang pangarap kong Yakal...

Ang tahanan kong Eng'g Building..
Ang sikat na Beta Way..
Ang malawak na Sunken Garden..
At si OBLE...

Finally, I have a picture with Oblation!!!
May pamahiin kasi na hindi ka pwedeng mag pa picture kay OBLE na di ka pa graduate.
Hindi ka na daw ga graduate pag nag papicture ka..hehehe
Kami lang ni Cha at Len ang nag picture..




Sobrang na miss ko ang mga ILANG LADIES ng 121 , 115 at 120 ( additional nalang ang 202 at si daf )

Agnez, the CPA..
Analyn, the PSYSC Teacher..a.k.a Addict
Babski, The RND Chem Eng'g
Cathy, the baby Statistician
Daphne, the stiffler ENGLISH ( checker ) student
Hanna, the walking dictionary or newspaper
Ivy, the econ birthday Chick..
Kycs, PANGET!!!
Sheryl, the late visitor

Hindi man sa tamang GB kami napunta, nakarating kami sa Greenbelt3 at kumain sa Sentro.
At dahil kaarawan ni IVY at pumasa na si AGNEZ sa CPA board exam.. Sila ang sumagot! Yahooo!


Walang sawang kwentuhan at picture-an..
Maraming bago at marami ding di nag bago...
Masasayang alaala at mga bagong nakilala...
Mga pangarap na natupad at mga pangarap na binubuo..

Matapos ang dalawang taon, ang ilang ilang ay nanahimik na...
Sapagkat nakalaya na ang mga dalagitang naninirahan sa bawat sulok ng dormitoryo..


IVY's Birthday


Hindi kalbaryo ang buhay ko...
I have been to a place where I was loved, happy and free once upon a time.

Hindi pa tapos ang plano..
Two years from now...we plan to... :D

Saturday, May 13, 2006

Rain Rain Go Away

Loved the weather... but not when I have plans to leave the house..
Hindi ako makabangon.. ang sarap ng feeling..Ang sarap matulog

Ang manood lang ng TV maghapon,habang kumakain ng noodles..
Yung feeling na forver kang naka pajamas, parang bum o may sakit.. hehehe..

Pero hindi ngayon.
Brrrrr..

Wednesday, May 10, 2006

Kagandahan Panloob at Panlabas

Naisip ko lang...

Ang isang tao ay hindi talaga gumaganda o gumagwapo...physically..
Unless, magparetoke siya ng kung ano mang parte ng katawan o mukha niya...
Ganun pa man, baguhin man niya iyon.. depende pa din sa pananaw ng mga taong makakakita sa kanya kung ang pagbabago na iyo ay maituturing na "magandang" pagbabago..

Ang totoong nagbabago ay ang pananaw ng ibang tao sa kung ano ka..
Kung mas makikilala ka nila bilang ikaw at hindi basta isang mukhang walang pangalan at katauhan.

Ang isang taong tinuturing mong maganda ay maaring pumangit dahil sa ugali nya o pananaw nya sa buhay.

Maaari din namang ang isang taong hindi mo naisip lingunin muli ay makatawag ng iyong atensyon sa pamamagitan ng kanyang tawa o ngiti..

Natutunan ko sa Psych101 namin na ang taong malamig ("COLD") ay may mas maliit na tyansang lapitan ng mga tao o magkaroon ng kaibigan, kumpara sa taong "warm" o maiinit ang pakikitungo sa ibang tao. Sabi nga ni Ceej, "kung mabait ka sa isang tao.. mabait din siya sa iyo... 'Pag galit ka.. malamang magalit din siya sa iyo..." Siguro nga malaki ang epekto ng isang ngiti sa isang taong nababad trip..=P

Noong estudyante ako, sinubukan kong mag eksperimento... Mag role playing.
Isa sa natutunan ko sa pagboluntaryo sa "pahinungod" ang mag role playing. Kailangan mong ipakita na masaya ka at hindi mo kinakaawaan ang mga batang may cancer. Mahirap. Pero sa huli, hindi mo man pilitin. Dumidikit na ang ugali at pananaw ng ginagampanan mong papel. Naiisip mong mas mapalad ka sa kanila dahil nabuhay ka ng mas matagal at walang sakit..

Ngayon, hindi ko alam kung anong papel ang ginagampanan ko.
Wala rin akong idea kung ano na ang pananaw ng tao sa akin. hehehe...
Wala nga akong malay kung bakit ko sinulat to.
Nasobrahan yata ako sa SYBASE, EQP at Chowking Halo halo.

TRIAL Role -> Maging isang MASAYAHING, "POSITIVE THINKER", PALAKAIBIGANG AKTIBONG tao.

Kaya't habaan na ang ngiti at huwag kalimutang tumingin ng diretso sa mata.
Who knows, someone is falling for that "killer smile" di ba??
Rule #??? sa Book of flirting, If you bump into someone, look directly into the that person's eye.
Ang taong makakatuluyan mo daw ay within 5mile radius lang.
Don't ask me kung bakit.. Turo lang ng dati kong roomate sa Molave yan. (peace! =P)

Blah blah blah.. wala akong pang ending..hehehe...
Naisip ko lang to nung nakaupo ako sa loob ng bus, habang nakatanaw sa papalubog na araw.


-------------------------------------------------
Just got home from a MAMA's Day.
Dinner out with my lolo and lola, tita and tito.
Sana laging ganito... I'd give anything to have this kind of meal. =S
Thank you GOD, for keeping the fire alive..I know there is hope. =)



===============================
I can't think of any reason Why I should be a programmer.. But I can give many reasons why I shouldn't quit.

ps. wag kalimutang tumingin sa dinadaanan.
Mahirap mawapoise sa daan lalo na pag madaming gintong pwedeng matapakan.

Sunday, May 07, 2006

Dahil Ikaw

Sa piling ba niya ikaw ay may lungkot na nararamdaman
Damdamin mo ba ay di maintindihan
At sa tuwing ako ay nasa iyong isipan
May nakita ka ba na ibang kasiyahan

Nandito lang ako
Naghihintay sa'yo na mapansin ang aking damdamin
Na para lang sa'yo


Dahil Ikaw lang sigaw ng puso ko
Ikaw lang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay

Pag-ibig ko sayo'y ibibigay
Ang nais ko ay malaman mo
Na mahal kita

Sa piling ba niya ikaw ay maysakit na nararamdaman
Damdamin mo ba ay sinasaktan
At sa tuwing ako ang nasa iyong panaginip
Na tayong dalawa’y masayang magkapiling

Nandito lang ako
Naghihintay na mapansin ang aking damdamin
Na para lang sa'yo

Dahil Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay

Pag-ibig ko sayo'y ibibigay
Ang nais ko ay malaman mo hmmm…
Na mahal kita

Sana’y pagbigyan ang nadarama nito
Sana’y masabi mo na mahal mo rin ako

Dahil Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sayo'y ibibigay
Ang nais ko ay malaman mo hmmm…

Na mahal kita
(Ikaw ang sigaw ng puso) Na mahal kita..
(ikaw ang nasa isip ko) Na mahal kita..
(ikaw ang sigaw ng puso) Na mahal..


------------------------------
Napanood ko nanaman si Papa Piolo...
Corny na kung corny.. hehehe..
Hayy... kung ganun ba naman ka gwapo e...

Friday, May 05, 2006

Cannot Be Reached AGAIN!!

I've had it with cellphones...( Remember Ace??)

Hindi naman ako naghahanap ng something out of the ordinary ah.
Gusto ko lang ng something na tatagal sa piling ko.

Hay...

Wag kayong mag alala hindi ko pa hinahampas sa pader si ENZO...
Malapit na...

ang masaklap.. kahit gusto ko ng ibato hindi ko kayang tigilan.
TRUE! Major Masokista!! Kainis..

I'll give it 1 more day.. dadalhin ko na sa pagawaan bukas..
Hopefully! Ma "SALVAGE" ko ang mga NUMBERS.. I already gave up the messages..

ANNOUNCEMENT:
Hindi nyo ako pwedeng i text - Di ako nakaka receive..
Hindi ako pwedeng mag text - Di ako maka send.
Wag na kayong mag pa miss Call - hindi ma reregister.
Wag ka ng tumawag ng 7am, aakalain kong HKCTR ka.. =p


--------------
Enzo come back... =S


YM Issue (#0003) - Tree, Torture and Mimings

Yleen: ilalagay ko tong conversation nato sa blog
Yleen: hahaha

An-Tukin: hahaha
Yleen: YM issue 101
An-Tukin: sige



Yleen: basahin mo ung entry nung blog ni pink pagong.. ung tree
Yleen: nalungkot ako na natuwa

Yleen: hehehe
An-Tukin: nabasa ko na yun
An-Tukin: hehehe


Yleen: hehehe
Yleen: wala lang
Yleen: ayaw ko ng ganun..
Yleen: nasasad ako
Yleen: kawawa silang 3
An-Tukin: oo nga eh...
Yleen: hehehe
Yleen: never to be with the one they love..

An-Tukin: pero paano kung ganun talaga noh?
An-Tukin: will they manage to be happy?
An-Tukin: kahit na they will never be with the one they love?
An-Tukin: hehehe

Yleen: oo nga no
Yleen: ewan ko
Yleen: kaya nga nasasad ako :(

Yleen: isip ko kung ako.. pwedeng maging happy.. pero di complete
Yleen: :)

An-Tukin: hahaha
An-Tukin: magcentrum ka na lang
An-Tukin: para complete
Yleen: ang aga an-tukin

Yleen: corny ka na
Yleen: hahahah
An-Tukin: hehehe
Yleen: hehehe
Yleen: ikaw palagay mo? magiging masaya ka?
Yleen: hehehe
An-Tukin: ako? hindi...
An-Tukin: hehehe
An-Tukin: kasi alam mong may kulang sayo... and alam mo kung ano yun... pinalagpas mo lang
An-Tukin: but you really had the chance to have it...
An-Tukin: hehehe

Yleen: naks'


Yleen: so feel mo sinong may kasalanan??

An-Tukin: si tree
Yleen: oo
Yleen: sobra

An-Tukin: hehehe
An-Tukin: sya talaga ang salarin!
An-Tukin: hehehe

Yleen: hehehe
Yleen: manhid
Yleen: selfish


An-Tukin: anak ng tokwa
An-Tukin: ang kukulit ng mga kuting dito
An-Tukin: sinisira mga halaman namin
An-Tukin: tapos nakahiga pa sa kotse!
Yleen: hahaha
Yleen: natawa naman ako
Yleen: akala ko kung ano

An-Tukin: X-(
Yleen: hehehe

An-Tukin: kakatayin ko muna yung mga kuting dito
An-Tukin: tatalian ko isa isa
An-Tukin: hahaha
An-Tukin: ikukulong ko sila
An-Tukin: tapos may papadaanin akong daga sa harap nila
An-Tukin: pero wala silang magagawa
An-Tukin: kasi nakakulong sila
An-Tukin: wahahaha


Yleen: kawawa
Yleen: grabeh
Yleen: torture

An-Tukin: hahaha
Yleen: tsk tsk tsk
Yleen: afraid na ako sa iyo
An-Tukin: hahaha
An-Tukin: sige po paalam
An-Tukin: manghuhuli pa ko


Yleen: ;)
An-Tukin: ;)

Tuesday, May 02, 2006

Montemar Sunset

Photobucket - Video and Image Hosting

Monday, May 01, 2006

Templates

For as long as I could remember, I have been longing to change this blog template. Since this is suppose to be a long vacation, I plan to work on some changes. I have no intentions of working today. ( Fine! I had to check some mails, reply to some support tasks.. but that's it..=P)

The black motif and the green text is sooo "old news".
I've fallen for that color scheme for almost four years now... ( go figure why... hehehe )
I'm so over it! Now, I wanted to change things. Make it more "alive"!
Fave Color : PINK

But How?

I tried changing things in general, but it never looked good. Clearly, Blue and Neon Green don't like each other. The past post have been saved to fit that color scheme. Changing the general fetures would only mean I have to fix the past. And that would mean more work. =(

Oh well, you can't just fix your past to fit your present and plan your future.

Baggage.. Baggage... Will Make the most out of what is here and enjoy.

Bolunji

Sana'y di mo na lang sinabi,
Hindi ko naman tinatanong
Na kailangan mo pang isipin
Ok lang naman sa akin yon.

Ako'y maghihintay na lamang sa iyo,
Basta't wag lang, lumampas ng isang linggo

Dahil di pa naman kita ganun kamahal.
Kakakilala ko lang sa iyo.
Malay ko ba kung sasaktan/gagamitin mo lang ako.

Di pa naman kita ganun kamahal
Galing lang ako sa hiwalayan/iyakan
Sayang naman kung di mo ko pagbibigyan/
Sobra naman pag masaktan muli ako.

Sana'y di mo na lang sinabi
Na meron ka nang pagtingin
Dahil di pa ko ready na buksan muli ang puso ko

Maghintay ka lang,
Nandito lang naman ako.

Konting panahon pa...
Para makapagisip ako...

Wag na nating labanan pa ang ating nadarama
Bahala na kung saan tayo mapunta!