Wednesday, May 10, 2006

Kagandahan Panloob at Panlabas

Naisip ko lang...

Ang isang tao ay hindi talaga gumaganda o gumagwapo...physically..
Unless, magparetoke siya ng kung ano mang parte ng katawan o mukha niya...
Ganun pa man, baguhin man niya iyon.. depende pa din sa pananaw ng mga taong makakakita sa kanya kung ang pagbabago na iyo ay maituturing na "magandang" pagbabago..

Ang totoong nagbabago ay ang pananaw ng ibang tao sa kung ano ka..
Kung mas makikilala ka nila bilang ikaw at hindi basta isang mukhang walang pangalan at katauhan.

Ang isang taong tinuturing mong maganda ay maaring pumangit dahil sa ugali nya o pananaw nya sa buhay.

Maaari din namang ang isang taong hindi mo naisip lingunin muli ay makatawag ng iyong atensyon sa pamamagitan ng kanyang tawa o ngiti..

Natutunan ko sa Psych101 namin na ang taong malamig ("COLD") ay may mas maliit na tyansang lapitan ng mga tao o magkaroon ng kaibigan, kumpara sa taong "warm" o maiinit ang pakikitungo sa ibang tao. Sabi nga ni Ceej, "kung mabait ka sa isang tao.. mabait din siya sa iyo... 'Pag galit ka.. malamang magalit din siya sa iyo..." Siguro nga malaki ang epekto ng isang ngiti sa isang taong nababad trip..=P

Noong estudyante ako, sinubukan kong mag eksperimento... Mag role playing.
Isa sa natutunan ko sa pagboluntaryo sa "pahinungod" ang mag role playing. Kailangan mong ipakita na masaya ka at hindi mo kinakaawaan ang mga batang may cancer. Mahirap. Pero sa huli, hindi mo man pilitin. Dumidikit na ang ugali at pananaw ng ginagampanan mong papel. Naiisip mong mas mapalad ka sa kanila dahil nabuhay ka ng mas matagal at walang sakit..

Ngayon, hindi ko alam kung anong papel ang ginagampanan ko.
Wala rin akong idea kung ano na ang pananaw ng tao sa akin. hehehe...
Wala nga akong malay kung bakit ko sinulat to.
Nasobrahan yata ako sa SYBASE, EQP at Chowking Halo halo.

TRIAL Role -> Maging isang MASAYAHING, "POSITIVE THINKER", PALAKAIBIGANG AKTIBONG tao.

Kaya't habaan na ang ngiti at huwag kalimutang tumingin ng diretso sa mata.
Who knows, someone is falling for that "killer smile" di ba??
Rule #??? sa Book of flirting, If you bump into someone, look directly into the that person's eye.
Ang taong makakatuluyan mo daw ay within 5mile radius lang.
Don't ask me kung bakit.. Turo lang ng dati kong roomate sa Molave yan. (peace! =P)

Blah blah blah.. wala akong pang ending..hehehe...
Naisip ko lang to nung nakaupo ako sa loob ng bus, habang nakatanaw sa papalubog na araw.


-------------------------------------------------
Just got home from a MAMA's Day.
Dinner out with my lolo and lola, tita and tito.
Sana laging ganito... I'd give anything to have this kind of meal. =S
Thank you GOD, for keeping the fire alive..I know there is hope. =)



===============================
I can't think of any reason Why I should be a programmer.. But I can give many reasons why I shouldn't quit.

ps. wag kalimutang tumingin sa dinadaanan.
Mahirap mawapoise sa daan lalo na pag madaming gintong pwedeng matapakan.

0 Mga Nagbasa Ng sInulat

Post a Comment

<< Home