Tuesday, May 30, 2006

Nang umalis si Housemate

... sumama si kuya.. este ang bahay nya!

Tama! Ngayon pong araw na ito ang eviction day ni housemate CharChar...
Habang kami ay narito sa opisina, "nagpapakadalubhasa" at nagpapakabangag.. siya ay unti unti ng nagtatangal ng kanyang mga kagamitan sa munti namin tahanang tinutuluyan.

Hindi ang pagkawala ng REF,

ng TV,
ng MICROWAVE,
ng SALA SET,
ng DINNING SET,
ng LAMESA,
ng DISH CONTAINER,
ng KURTINA,
ng SALAMIN
o ang BALDE ang pinakamasaklap sa lahat...

Kundi ang ideyang wala na si CHARSKI sa bahay ni ATTY.

Wala na si Dr. Binx na parati kong kakausapin sa gabing nanonood sila ng Jeang Geum...
Wala na ang aming KOKOLOGY sessions...
Wala na ang aming isang singer sa Jamming Session...
Wala ng masarap na bed at si PINK ELEPHANT..
Wala ng maghahanap kay miminx at bibinx...
Wala ng MOVIE NIGHTS every monday...

Wala ng WITCH marathon...
Wala ng makikinig sa aking mga nonsense stories about JB-SAY-SAM ( alam nya to.. ;P)

Maraming mawawala at mawaming mababago...
Pero masaya kami para sa iyo, sa piling ni BIBINX.
Sana hindi mo makalimutan ang mga tawanan at kantahan natin sa appt.
Nawa lahat ng sinabi ko ay hindi kumalat at mantiling secreto.
Manatili sanang bukas ang cellphone mo at umapaw nawa ang load ng kami ay matext mo pa din. =P

We are so proud of you.
Thank you for being part of my/our life/lives.
Hope to see you soon..


Ngayon pa lang nag sisink in...

can you whisper in my ear
let me know it's alright
it's been a long time coming
down this road
and now i know
what i've been waiting for
and like a lonley highway
i'm trying to get home

0 Mga Nagbasa Ng sInulat

Post a Comment

<< Home