X-tra ordinary day
... pero wala na akong ibang paraan para lubayan ang "pinaka mamahal" kong computer na ngayon ay papangalanan ko nga "AMPON".. (na-AMPON-sha, hehehe.. baddd weee..--evil grin--) Alam kong napakalaking tulong niya sa akin at wala siyang ginawang kasalanan.. subalit hindi ko na maiwasang na ikabit sa kanya ang imahe ng trabaho tuwing mamamasdan ko siya... heheheh..
IN SHORT, ayaw ko munang magwork.. hahahah..
Gusto kong lumaya kahit pansamantala... kahit magkano pa ang magastos ko...Matangal ko lang sa sistema ko ang mga bagay na nakasanayan ko na...
Sa opisina ni mader kami nagkita ng mga pinsan ko. Nagyayang mag sine..Sige go!
X-MEN, the last stand.
ATC, cinema1
Totally not what I expected this to be..Ok siya in the sense na maganda talaga nag cinematography. But I was somewhat disappointed with the story, the plot and the twist. I'm expecting something more like that of the cartoons or the comics that I used to love. Basta..PERSONAL NOTE: hindi ko masyado gusto ung ibang turns sa pelikula. I want more.. hehehehe. At least hindi ako masyadong na lungkot, di tulad ng DVC.
Promises Part 2As I have kept another set of promises, I went to national bookstore to buy some school supplies. Not for me, not for my sister.. but for my inaanak...Hindi naman masyadong problem yun considering kaunti lang na notebooks, pencil at crayons. Naisip ko lang, sobrang swerte ko before dahil kahit anong damputin ko, I never heard my mom argue.. ( madami lang reklamo pagdating sa bahay.. hehehe ) Samantalang madaming bata ang hindi makabili ng notebook kahit yung may picture lang ni papa piolo or ni juday na notebook. hehehe..
GAS at DINNER
After the movie and short back-to-school shopping, we decided to go home. We had to stop over sa Shell, para magpa gas. Pinagtatawanan nila ako nung sinabi kong P100 ang bayad ko =S, hindi na daw yun makakarating sa bahay. hehehe.. Mahal na pala talaga ang gas... P40 mahigit ang isang litro. Gud lak! Kailangan kong bayaran ang gas namin bilang suhol sa driver a.k.a MAMA. Ang mahal naman.. P300, take it or leave it. Heheheh.. TAKE IT shempre.. hehehe.

Ayaw nila sa Jabee, kaya sa CALTEX pa kami kumain.. hehehe.. pasaway!
Walang magluluto sa bahay or should I say.. tinatamad silang mag luto sa bahay kaya gastos nanaman..
Walang problema sa akin.Ang mahalaga masaya sila. Natatamporurot nanaman kasi si mama dahil nasa probinsya si papa at nakiki pyesta kasama ang mga lola ko. Ingetera talaga.. hehehe.. Sabi niya ayaw nila mag sama, pero pag nawala naman ang isa... miya't miya binabangit. Hay ewan ko sa kanila...
Ngayon, nasa bahay na ako...
Kaharap ang AMPON ko..
Wala lang... Pilit ko mang iwasan, bukas nasa office nanaman. haaayyy...
At least today, I had fun.
Thanks guys..



0 Mga Nagbasa Ng sInulat
Post a Comment
<< Home