Happy Thoughts - SM Mall of Asia

Hindi naman masyadong big event or sobrang special ng place...
... for me, it's the people you are with that makes it more special!
Hindi ko pa nasusubukang ikutin ang Mall of Asia...
Kulang ang 6-10pm para subuking puntahan at ikutin ang lugar.
Marami kaming nagtungo, halos lahat ka batch ko. Almost the same set of people who joined us sa Baywalk May2005.
Yun nga lang wala na dito si Majesty at si Chad. May mga wala din dahil busi busihan sa work, may sakit at hindi libre sa araw na ito...( tulad ni an-tukin at ppp ). Ganun pa man, andito si bel, si bets , si she , si kaye at dj. Yung iba nakasama ko na sa baguio trip nung pebrero.
Tribute sa mga text jokes :
YELO ...
YELO.. YEL- O - V - E
hahaha... corny..
Malaki ang lugar at hindi ko kayang okupahin ng pagbagsak ko sa yelo ang ikaapat na bahagi ng rink. Namiss ko tuloy si panget at ang kanyang weird adventures nung college para lang sakanyang KOMII term paper.
Hindi pa din ako marunong tumakbo o mag slide pabaliktad. Marunong akong tumayo, counted na ba yun?? Natatakot kasi akong bumagsak, magasgasan ang siko at malaslasan ng pulso sa pamamagitan ng ice skates.. Wierd?! OO nga! Malaslasan ng pulso. =P
Sa loob ng isang oras, nagawa nila rumi at bagong rumi (dudoy) na maikot ang buong rink. I'm so proud of you... O di ba? At least nagawa ninyong subukan kahit minsan. Sa susunod ulit. sasabayan na natin ang magandang dilag na paikot ikot sa gitna habang nakikinig sa malamyos na tugtugin ng kanyang iPod. If only in (my dreams)...makapag suot din ako ng ganyan at umikot sa gitna for 1min straight. hahaha... Sabi nga ni bel, kahit man lang sa damit makuha ang project! hahahaha.. Matupad na sana ang dream ni snowwizard namagka yelo sa labas ng bahay.
Nagpapasalamat ako sa mga taong nandun at busog na kayo bago humirit si raymond ng frosti.. hehehe... Nawa ay maalala nyo ang araw na iyon at ang taong hamak na tulad ko.. (etchos! drama) hehehe..
Ok lang ma associate sa Frosti... pakilinaw lang na F at hi di po P.
Note: dun sa chismosong nangakong hindi na magbabasa ng blog ko... wag ka na mag side comment.. makakaganti din ako sa iyo.. Bokalist hahahah..



0 Mga Nagbasa Ng sInulat
Post a Comment
<< Home