Sakay na! ( eksena sa jeepney )
Kailangan ko ng umuwi.. may naghahanap na sa akin.
Hindi ang ulam na nakahain na sa lamesa namin.Hindi si Paolo. At lalong hindi ang mga magulang ko.
1 missed call. ( no number )
Tumunog nanaman ang alarm clock ko,hindi ko na nasagot.
Anumang pilit kong namnamin ang magandang mga mata ni Superman. ( oo nanood ulit ako.. hihihi ) Kailangan ko ng bumalik sa bahay. Malapit ng matapos ang pelikula, konting tiis muna. Pagkatapos na ipakita nag parteng naabutan namin, kami ay lumabas na.Kagyat kaming naglakad ng aking kapatid at nagtungo sa sakayan ng jeep para makauwi na sa bahay.
Ang siste! Puno na ang jeep! Pero meron pa daw?!? Hmm..
Sa susunod kami sumakay.
Isa.. Dalawa.. Tatlo.. unti unting napupuno ang sasakyan. Ayos, makakarating na ako sa bahay sa loob ng 15 minuto. Labimpito.. Labingwalo..OK! MANONG ALIS NA!
Pero ano to, naningil muna si manong. Sige, kaya pa....
Tik! tok! tik! tok!
Manong Driver: Bayad nyo! ( Flash the Killer Look) San to?
Miss#1: Isang crossing po..( sabay text ...)
Ako (sa sarili) : Ano daw? Nasa crossing tayo ah?
Miss#1: ( natauhan ) Isang Canlubang pala.( text ulit.. )
Manong Driver: San tong (P15) Kinse?
Miss#2: San daw ung (P15) Kinse?
Ako ( sa sarili ) : "Haller! Manong, malamang sa 2 malapit."
Kapatid : Sa Llanas, dalawa. (simangot)
Manong Driver: Dahand dahan mahina ang kalaban. San tong (P15) Kinse?
Ako ( sa sarili ) : "Anu ba un?! Wala naman pinag iba kung sasabihn ko pa ung specific na spot, pareho lang naman ng bayad sa malapit"
Kapatid : Sa paciano lang, dalawa.
Hay.. nakakainit ng ulo, kahit na malamig ang panahon.
Barker : O! Dalawa pa! Dalawa pa!
Ako( bulong ): Huwat?! 2 pa? E hindi mo na nga alam kung san ilalagay ung isa sa dulo.
Kapatid( bulong ): Ung kasing nasa harap mo, nakabukaka pa.
Ako: Ayus!
Si manong barker kung maka tak tak
ng jeep akala mo naman naglalagay ng sardinas sa lata. Wala kang choicekundi ipitin ang kaya pang ipitin, makaalis lang. tsk tsk tsk SISTEMANG PINOY! Iba ka! heheheIlang minuto pa, may dalawang sumakay. May ilang bahagyang nagpaubaya ng espasyo, habang ang iba ay patuloy na nagsugapa habang nag kukuyakoy. Sa totoo lang, ano nga ba ang sukatan ng mga manong driver sa pag bilang ng kapasidad ng kanilang sasakyan? Dahil ba sa hirap ng panahon at taas ng gasolina, kailangan iupagkasya mo ang mga pasahero?
Pano kung may 7 ( pitong) malalaking bulas ang sumakay sa sasakyan, aabot ba ng siyam o sampu ang bilang na yon. At sino namang, maghihikat na sumakay sa ganong kakapirangot na upuan? Mas mabuti pa paea sa iba ang sumakay sa susunod na jeep kesa ipag pilitan ang sarili.
Sa mga malalayong probinsya, naiintindihan ko kung bakit kailangan punuin hanggang bubong ng jeep. Pero, dito? Hmmm... ewan ko.. Mabuti pa sana, nag eskirol nalang ako. Kung di lang talaga umuulan. Hayyy...
Maya maya pa ay umandar na. Mabuti naman at nakaalis na kami. Ayaw ko ng mangulo ng ibang tao ngayon weekend, dahil malaya akong gumala last weekend.
Hindi na talaga nakakatuwa ang nagyayari sa 'SERVER' na yan! Sana matapos na ang problema na yan. Nawawalan na ako ng social life! Pano na ako mamboboyzzz?!? hehehe. Joke!
Kabog naman ang beauty ni cinderella! Kailangang umuwi bago mag Alas-9 ng gabi at magising ng Alas-7 ng umaga!
More of sleepless nights and unwanted calls.
20:30HKT Sakto! May oras pa ako.



0 Mga Nagbasa Ng sInulat
Post a Comment
<< Home