Saturday, July 22, 2006

Tama na

Matagal na din mula ng huli akong sumulat tungkol sa mga hinaing ko sa buhay. Pinipilit kong iwasan, pinipilit kong takasan. Minsan kasi nakakasawa na. Paulit ulit, na parang walang katapusan.

May mga boses pa ding masakit pakingang. Kahit anong pilit mong takpan ang iyong isipan at protektahan ang iyong puso, hindi mo mapipigilang tumagos sa kaibuturan.

Hindi ko na din alam kung hanggang kelan ko kayang sabayan.


Naiintindihan ko. Pero wala akong magawa.
Nakatali ang kamay ko sa sitwasyong hindi ko alam kung pano ko kinahinatnan.

Napakahiarap kapag ang pride na ang nasusugatan.
Kaya mong kalimutan, kahit ano man.

Akala ko tapos na.
Akala ko ganun na lang.

0 Mga Nagbasa Ng sInulat

Post a Comment

<< Home