Now What?
Isang tipikal na eksena kung saan, ikaw bilang pangunahing tauhan - sa kabila ng lahat ng trabaho, gala, gimik at utang ay bilang mapapabalikwas, mapapatingala at magtatanong. BAKIT?
Heto ka.. nakaharap sa isang makina.. bawat letrang pinipindot mo ang nag uutos sa isang systemang nagpapatakbo ng isang kompanya... pero ano ang naidulot nito sa iyo.. bilang isang tao? maliban sa pinansyal na pag tulong sa iyong makasabay sa naghihikaos na ekonomiya ng bansa, sa di malilimutang mga ala ala kasama ang mga kaibigan at sa mga miminsanang pagkilala sa iyong kakayanan.. Pero ano pa? Tila isang malamig na bangkay na walang pakiramdam. Namamanhid, mas madalas kesa minsan.
Matagal kong pinanalanging makalaya sa "masalimuot" na buhay pagsasanay... Pinangarap mapabilang sa mga kabataang kumikita at sa mga taong manhid na nagpapasan ng buwis na nilulustay ng kung sino mang trapong mapalad na nakalahad ang kamay. Mapasama sa mga lupon ng taong nakakaranas ng mga bagay na sinusulat at binabasa ko lamang.. Inakala kong mas malaya, mas masagana... mas maluwag.
Malapit ng maputol ang isang tanikalang ilang taon ng gumagapos sa katauhan ng isang hamak na nilalang..
Bilango ng isang seldang unti unting kumikitil sa kakayanan at kamalayan.
Hinulma sa isang garapong kristal na sing liwanag ng tubig ulan.
Maraming bagay ang dumaan. Heto pa rin at naiwan..
Sa pagbukas ng bagong kabanata, handa na bang lumaya? Kaya na bang ihakbang ang mga paang namitig sa paghihintay. O sadyang naputol na ang pakpak sa tagal na panahong ito'y higpit na tinali...
Nanginginig na ililinga ang mga mata.. May takot at kaba... Siguro nga hindi muna...
Nanamnamin ang hanging unti unting humahalik sa pisngi....
Gising na sa katatotohan. Handa ng alamin ang kasagutan sa tanong . Handa ng mag dahilan.
Lilipad? maglalakad?? Maari na...pero hindi pa. =)
--------------------------------------
sinulat ng taong may DSL na sa bahay..



0 Mga Nagbasa Ng sInulat
Post a Comment
<< Home